Tuesday, September 18, 2012

"NAKA AHON NARIN GALING SA SAKIT :D"


Last September 6 2012, biglang sumakit ang ulo ko. at hindi na ako nakasipot sa English class nung araw na yun. Nung ako'y nakauwi na ng bahay, ako'y natulog at gumanda naman ang aking pakiramdam. Ngunit ng sumunod na araw, bigla ulit bumalik at sinamahan pa ito ng paghihilo. ito'y nagtuloy-tuloy hanggang lingo September 9. At ang akala ko ay makakapasok na ako sa kinabukasan. Ngunit bigla ulit sumama ang aking pakiramdam. At nung araw ng lunes September 10, nagpakunsulta na ako sa doktor. at sinabing kailangan aong magpakuha ng dugo. at nung nakita ng doktor, dengue daw. Inaamin ko kinabahan ako nung sinabi yun. Nung kinabukasan, magpakuha ulit ako ng dugo at dengue daw talaga ang aking karamdaman. Nagpakonsulta ako sa isang klinik at sinabing maaring isa lamang trangkaso ang aking nararamdaman dahil pareho lang ang sintomas nito sa dengue.at pinayuhan ako na uminom ng maraming tubig. Ginawa ko ang pinayo sakin ng doktor na uminom ng maraming tubig at niresetahan naman ako ng gamot para sa iniinda ko ring ubo, sipon, at sakit ng ulo. At 'di naglaon, gumaling din ang aking pakiramdam.

No comments:

Post a Comment